Ang Mga Dahilan Mo (Your Reasons)

Hindi naman siya paasa, umasa ka lang talaga.

Hindi ka naman niya minahal, ginusto ka lang niya.

Mabuhay ka sa katotohanan, huwag sa pantasya.

Huwag mo akong tuluran.

Na sa sobrang pag-asa,

ni bubog ng puso kong wasak na,

di na maipinta kasi pinung-pino na.

At dahil mahal kita,

dahil alam kong nasusugatan ka at nahihirapan ka;

dahil alam kong di ka makakatulog sa gabi kung di ka mabibigyan…

ng dahilan kung bakit siya lumisan.

Kung bakit ka palaging iniiwan,

Gawa tayo ng listahan.

Mga dahilan kung bakit ka iniiwan.

Una, di ka kasi tulad ng iba. Hindi ka babae pumorma at daig mo pa ang pagkalalaki niya. Ayaw niya ng babaeng mas astig pa kaysa sa kanya.

Pangalawa, di ka kasi nag-aayos ng sarili mo pag kasama niyo ang isa’t-isa…No holds barred ka. Akala mo kasi tatanggapin ka niya kahit anu’t-ano ka pa. Di kasi uso sa iyo ang magpaka-ipokrita para lang magustuhin ka niya.

Pangatlo, ang bilis mo kasi umasa. Hindi naman porke’t tinanong ka na kung kumusta ang araw mo at palagi na kayong nag-uusap gugustuhin na niya ng mas malalim pa. Aba! Edi, ikaw na! Huwag ka ngang tanga! Hindi ka na bata!

Pang-apat, sabihin na nating hindi ka nga umasa, eh bakit ka naman nagagalit pag ang tagal niya magreply at may ibang babaeng kasama? Akala ko ba tropa lang siya?

Panglima, gustuhin niya man ang pagkatomboy o boyish mong dating…alam mo na, yung tipong alam niyang walang magkakainteres sa iyo kundi siya lang, lalandi at lalandi pa din yan sa mga babaeng maganda. Eh, ikaw? Ano ba ang panama mo sa kanila? Utak at kaweirduhan mo lang ata.

Pang-anim, di ko sinasabing hindi ka maganda. Ang sinasabi ko lang, di ikaw ang hanap niya. Kasi kung ikaw nga ang nauna, bakit pa ba siya naghangad ng pangalawa?

Pampito, masyado ka kasing madrama. Yun bang lahat na lang ng mga binibigkas na salita sa pelikula ina-analisa mo. Palibhasa, makata ka. Kaya di yan mawawala.

Pangwalo, di niya kasi masabayan ka-weirduhan mo. Nerd ka, geek, at kung anu-ano pang adhetibong ipasok mo dyan. Di naman siya bobo, bakit ka naman magkamagusto sa mga bobo diba? Di niya lang talaga feel mga witty jokes mo kasi ‘sarcastic as fuck’ ka at ‘prim and proper’ siya. Tang-ina.

Pangsiyam, o di kaya ikaw ang di makasabay sa lebel niya? Masyadong mataas kaya nalulula ka. Out of your league kaya nung nanlamig ka, kasi napagtanto mong walang pag-asa, umalis din siya.

Pangsampu, hindi pa ito ang huli. At baka nga dahil umabot ako sa sampu, yan din ang dahilan. Di ka kasi nauubusan ng mga pasabi at daldal. Ayaw niya siguro ng babaeng malaman ang utak at may opinyon sa iilang bagay. Sorry nalang siya, kasi di ka pinalaking mangmang ni mama at papa.

Labing-isa, ipagpapatuloy ko pa ba? Ang sakit ng katotohanan diba? Pero alin ba ang mas masakit? Yung alam mo nang di magkakatuluyan sina Tom at Summer pero umasa ka pa din at nasaktan? O di mo naintindihan ang simula ng pelikula at nasaktan ka kasi di sila nagkatuluyan?

Ignorance is bliss nga bang talaga?

Labindalawa. Di ka raw kasi nag-eeffort sabi ng kaibigan mo. Kung alam niya lang na tinakbo mo ang tatlong kanto kasi andun si ‘crush’ naghihintay sa iyo.

Labing-apat, ayaw daw kasi ng mga lalaki sa mga babaeng unang nagco-confess. Eh di ka naman sguro tanga para ang bilis sabihin. Kilala mo na naman sila ng lubusan bago mo sinabi. At sinabi mo dahil alam mong di talaga pwede. Kasi nga… Tropa… O edi ano ka ngayon? Gaga na. Tanga pa.

Labinlima, ay di pala, sinabi mo kasi ayaw mo masira ang pagkakaibigan niyong dalawa. Inunahan mo na siya. Ikaw na nag friend zone para sa kanya. Ikaw na mag-isa ang nagpakalunod sa karagatan ng pag-asa at andun lang siya sa bangka, tinatanaw ka.

Labimpito, ang haba na ng listahan natin oh… Okay ka pa ba? Saang banda ka nagumpisang naiyak at lumuha?

Magsisimula ako sa umpisa. Kung saan sinabi kong di siya paasa, sadyang umasa ka mag-isa.

At kung paano di ka niya talagang minahal, ginusto ka lang niya. Alam ko may sasabihin ka. Kasi di ka naman nauubusan ng mga salita. Lalo na at ngayo’y may pinagdadaanan ka. Ibang klase ang nagagawa ng emosyon. Lahat tayo, nagiging makata.

Pag-ibig. Tula.

Pasakit. Pilosopiya.

Ibibigay ko na sa iyo ang mikropono, ibuhos mo na ang iyong mga salita.

Sagot:

Kung ang pagmamahal ay sakit at pighati na di maipinta.

Kung ang ibig sabihin ng salitang iyan ay pagpapakalunod sa katangahan,

O pagpapakalula sa mga matataas na lugar kahit takot na takot ka na.

Kung ang pagmamahal ay pagyakap sa basag na salamin,

O paglalaro sa apoy, hahayaan kong masaktan ako ulit.

Paulit-ulit kong hahagkan ang pira-piraso kong puso.

Hanggang sa dumating ang taong bubuo ulit ng mundo ko.

Masugatan man ulit ako, gagawin at gagawin ko.

Iyan ang totoong dahilan ko.

This poem is what I was. What I struggled with – am struggling with. Because I am a lazy person when it comes to translating … I will only say that this poem is something I wrote to finally (hopefully) let go of acts of “looking for love in every corner” and/or “giving meaning to things which are not supposed to have any” as opposed to just being in the moment and just enjoying whatever life has to offer. I have never given “love” or “relationships” that much thought but when I find myself having stirrings for a certain boy, I tend to fall HARD. This is not a bad thing, some of you might say because after all, it’s not the fall that kills you. Hahah. (Two references yo! POTC and SH. Cool!)

ANYWAY… I wrote this poem mainly for me and my very own fragile self to remind myself that history only repeats if you have not learned from the past. I will look to this and advises from dear friends when I have a visit from ‘love’ again. Much like my post, NO Words… this is another one for the books. Until then, I have more poems to listen to.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s